ako si pepper



BASAGAN BIGTIME!

We have this officemate for almost 4 years now.  Marami syang kwento tungkol sa buhay nya, naaaliw nga ako pakinggan everytime kasi parang naiimagine ko ang kwentong “Big Fish” ni Tim Burton, akala nung anak ng lead character e hindi totoo ang mga kinukwento ng Tatay nya simula pagkabata nya, hanggang sa nagkasakit at namatay na yung Tatay nya, nagsidatingan sa libing yun mga iba’t ibang characters na ikinwento ng Tatay nya – totoo pala ang lahat.  A, sadyang me mga tao talagang makukulay ang buhay.

Going  back with my officemate, he claims that he can see ghosts roaming here and there in our office.  Syempre ako curious talaga ako sa mga ganung tao lalo’t all of a sudden biglang lalapit sya at sasabihin –

“Ate Laloy, me visitor na naman tayo.”

Ako naman, “Huh?  Nasan?”

“Nadun sa me reception, nakatalikod.  Hanggang lagpas balikat ang buhok, “ dagdag description pa nya.

Hay naku, ibig sabihin, I have company pala talaga everytime nagi stay ako sa office for overtime.

So, for the longest time, naniniwala talaga ako na “nakakakita” talaga sya.

Nung isang gabi, habang nagliligpit ng kanyang mga gamit, nagkwento sya.  Napanuod daw nya yung pelikulang “Mirror” ni Keifer Sutherland.  Ang resulta, takot na takot daw sya ngayong magtitingin sa salamin kasi naiimagine nya yung movie.

Nagulat ako!  Kaya sabi ko, “Langya ka Kuya, e di hindi ka pala talaga nakakakita ng multo dito?”

Sabi nya, “Nakakakita!”

“E bakit movie lang kinatatakutan mo, hindi naman totoo yun!  E dun sa mga nakikita mo dito, hindi ka natatakot e sila yung nadito na dapat e wala naman sila!  So ibig sabihin sinungaling ka for the longest time, booo!” pambubuko ko pa.  Grabe naman, napaka straight-forward ko naman ata, feeling ko pa.

Matagal syang hindi nakasagot at maya maya pa’y idinaan na lang sa tawa.

Kinabukasan, inasar ko na naman sya hanggang sa umamin sya na hindi talaga sya nakakakita.

Hayyy, naku di ko alam kung anong klaseng trip ang napala nang Mamang ito?

Ang resulta:  Lahat ng sabihin nya ngayon at ikwento sa akin - pasok sa isang tenga, labas sa kabila.  Sira na ang credibility nya pagdating sa mga kwentong buhay-buhay.

Ang natutunan ko:  Me mga tao naman talagang makulay ang buhay.  At me mga tao din talagang malakas ang imagination at malakas mag-trip – katulad nya.

 

 

habang ako’y naghuhugas ng pinggan, pumasok si Davey sa kusina…

Davey:  Inay, parito ka nga!  Pa-hug sa Nanay ko!

Naks!  Sarap naman, :D

Isang araw, may nag-aaway sa aming kapitbahay.  Habang nakikiramdam kami sa loob ng aming bahay…

*DAVEY:  Nay, ba’t ganun?  Lagi na lang me BIKTIMA?

ME:  Ano?

DAVEY:  Yung BIKTIMA, yung may SUSPEK?

ME:  (Hmnn, siguro sa intense ng sigawan sa kapitbahay naiisip nya baka me hindi na magandang nangyayari..) E kasi, madalas dinadaan sa init ng ulo.  Hindi nakikipag usap ng maayos.  Me gustong sabihin, ayaw sabihin kaya hindi nagkaka intindihan.

DAVEY:  Ba’t ganun?  BA’T BINUBUHAY PA SILA NI LORD E MASASAMA NAMAN SILA!?

ME:  E kasi, PARA ME CHANCE PA SILANG MAGBAGO.  PAG NAREALIZED NILA NA MALI PALA ANG GINAWA NILA, PWEDE PA SILANG MAGBAGO!  KAYA NGA HABANG ME BUHAY, ME PAG-ASA. :)

*DAVEY - my 7yo boy

habang may nagbi-videoke sa bahay…

*DAVEY:  Nay, takpan mo nga po ang tenga ko!

ME:  Bakit?  Di naman maingay a!

DAVEY:  Ayoko, LOVE STORY ang tugtog!

ME:  Ngeee, baka LOVE SONG!

DAVEY:  Pareho din yun Nay, PURO KADRAMAHAN!

ME:  Huh?

*DAVEY - my 7yo son, :)

HAPPY FATHER’S DAY, MAMA!

Dear Mama,

Sa totoo lang, hirap na hirap akong gawin ang letter na ito.  Hindi ko kasi alam kung saan sisimulan.

I admit, matagal tagal na din kitang nakakaligtaan.  Di madalaw o makumusta man lang.  Naduduwag kasi ako.  At nahihiya, dahil andami kong naging pagkukulang at naging kasalanan sa iyo bilang anak.  Alam kong madami kang pangarap para sa akin at nabigo kita ng maraming beses. ..   Nasaktan kita ng maraming beses…  And yet, nandyan ka pa rin.  No, wala kang pagkukulang sa pagpapalaki sa akin.  Sadyang matigas lang ang ulo ko at selfish.  Hindi ko napahalagahan ang lahat ng sakripisyo mo para sa akin.  Hindi ko alam kung nakapag sorry ako para sa lahat ng iyon.  Mama, I’m sorry.

Gusto ko ding mag-thank you sa lahat ng pag-aalaga at pag-aaruga sa aming limang magkakapatid all by your own.  Sa lahat ng pagtitiis ng hirap at pagtitipid sa sarili maibigay lang ang aming mga pangangailangan.  Napaka-unselfish mo, pati sarili mong kaligayahan ay kinalimutan mo para sa amin.  Palagi kang nandyan kahit paulit-ulit kaming nagkakamali.  Thank you for being strong and for not giving up on us.  Thank you sa lahat ng pag intindi at pangaral.  Thank you for being a father and a mother for us at the same time.  Yours is a tough job.  And I admire you for that.

Mama, I love you.  Alam ko, bihira kong masabi iyan sa iyo.  Pero I hope alam mong I love you.  And I’m proud and glad that God gave me a loving and selfless mother like you.

I love you, Ma.  And happy father’s day!

Love, Bunso

PAPA’S GIRL

June 2, 2011

Today is your 29th death anniversary.

32 years old na ako, Papa.  Imagine?  3 years old pa lang ako nang kinuha ka ni Lord.  Ang bata bata ko pa nun.  Pero sabi nila Mama, matalas daw talaga ang memory ko, dahil until now, I can still remember most of the things we used to do…

I can still remember everytime umuuwi ka from work, hindi mo ako nakakalimutan uwian ng pasalubong.  Palagi kang may dalang chocolates, hindi lang basta basta chocolates, Cadbury yun!  Minsan, M&Ms, Hershey’s bars at kisses din.  Minsan, Pringles (yun original flavour) at minsan naman ice cream.  Kaya siguro maaga nasira ang ipin ko, gawa ng mga yun.  Ayan, nasisi pa tuloy kita.

Papa’s girl.  Apple of the eye mo daw ako.  Lagi mo ako isinasama sa work mo.  At kung anu-ano din ibinibili mong toy sa akin –  toy cars at matchbox!  Never mo akong binilhan ng manika.  Trip na trip mo din ako nun kunan ng pictures.  Parang halos gusto mong kunan lahat ng galaw ko.  Siguro, kung nabubuhay ka pa, ilang photo albums kaya meron ako?

Napapagalitan mo din naman ako.  Ayaw na ayaw mong makikita akong walang suot na tsinelas.  Na madalas kong masuway – ang sarap kaya ng feel  ng makinis na semento sa paa!  Kaya ginagawa mo nun, ilalagay mo sa malaking sangkalan ang paa ko at kunwari’y puputulin. 

‘Ano, gusto mo ba putulin ko na ang paa mo?’  Takot na takot ako nun!  Paano na ako makakalakad?

Isa pa, gusto mo natutulog kami sa tanghali.  Bago noon ang TV set natin.  Syempre excited kami nila Kuya.  Pero sabi mo matulog muna kami.  Sa kakulitan namin, pasilip silip kami dun sa me hagdan.  Sa kasamaang palad, ako ang nakahuli ng malakas na sitsit mo!  Ang ginawa ko, tumakbo ako sa Ate ko na nasa kusina naghuhugas ng pinggan.  Literal na sumiksik ako sa me pwetan nya dahil sa takot sa’yo.  Tinawag mo ako.  Ayokong lumapit, pero sabi ni Ate, bibigyan mo daw ako ng candy.  Lumapit naman ako, pero tsinelas mo ang sumalubong sa akin, isang lagapak lang sa pwet.  Umiyak ako.  Iniupo mo ako sa iyong kandungan at hindi binitiwan hanggang hindi ako tumatahan.  At ipinaliwanag mo kum bakit mo ako pinalo.

3rd birthday ko, ipinaghanda mo ako kahit wala naman tayong bisita, tayo tayo lang.  Ay!  Dumating pala ang nag-iisang Ninong na nakilala ko.  Gift nya sa akin, isang mini piano, na kung hindi lang nabasa noong bagyong Rosing noong 1995 e siguro gumagana pa hanggang ngayon.  Oo nga pala, nakakatawa, pink ang aking cake!  Kahit nuon pa lang, ayoko na ng pink.  Siguro dahil sumakit ang lalamunan ko pag kain ko ng pink na icing.

Christmas.  Nun ako unang naniwala kay Santa Claus.  Ipinagsabit mo ako ng malaking medyas mo, yun white na me 2 stripe na red.  Paggising ko, wow!  Andaming laman – 5 pisong malalaki (yun sinaunang 5 pesos), iba ibang chocolates, candies at toy car uli, color red.

Sa Lucena tayo nun nag New Year.  Kasama mo pa ako nun ng mamili kayo ng panghanda.  Bumili tayo  ng ham na nakabalot sa supot at net, chinese ham pala ang tawag dun.  Bago tayo umuwi ng Gumaca, ibinili mo ako ng malaking racing car!  Na hanggang ngayon ay nalalaro at nasasakyan pa ng iyong mga apo.

Pagkatapos nun e marami pang pangyayari.  Sobrang bilis na mga pangyayari.  Ubo.  Dugo.  Ospital.  Operating room.  Umiiyak si Mama ng yakapin ako.  Sumunod na pangyayari, madaming ilaw.  Madaming bulaklak.  Madaming tao, umiiyak.  Hindi ko pa alam nun.  Hindi ko pa naiintindihan.

Lumaki akong walang ama.  Lumaki akong may inggit sa mga pinsan, kaklase at kalarong may ama.  Ang hirap ng walang ama.  Laging kong tinatanong noon kum bakit kinuwa ka agad Nya?

Isang araw, during my job interview.  Ano daw ang insecurity ko sa buhay?  Sabi ko, ang lumaki akong walang ama.  Totoo naman.  Ang sagot nya,

‘Wag kang maiinggit sa may ama, dahil hindi lahat ng anak, masaya na may ama.’

Natigilan ako.  Pero naunawaan ko.  Maraming tao na ang tatay ay iresponsable.  Maraming tao na ang tatay ay may taglay na LBS – laklakero, babaero at sugalero.  May mga taong ang tatay ay wala nang pakialam sa kanilang anak basta napo-provide lang nila ang pangangailangan ng kanilang anak na akala nila ay okay na yun.  May mga taong ang tatay ay nananakit sa kanilang ina.  At marami pang uri ng tatay.

Alam kong hindi ka ganun kaya just the same, mas gusto ko pa ring may isang ama.  Mas gusto ko na buhay ka sana.  Dahil kahit saglit lang tayong nagkasama, alam kong mahal na mahal mo ako, ipinaramdam mo at ipinakita mo.

I miss you, Papa.  I know until now, you’re still there to guide and watch over me.

[Flash 10 is required to watch video]

My best favourite Vampire Diaries scene (from the episode Crying Wolf) was when Mrs. Lockwood found a note from Tyler, then Tyler says goodbye to Matt, looked into Caroline behind the door in her house (that crazy love look that made me cry), and leave the town with Jules.

 

I tried to find the vid.  Fall in love and cry.

Why I can’t move on


I was just learning how to install an ebook for my mobile when I got into this site.  Man, I almost gone crazy sa daming ebooks, hihihi.  As in, andami dami dami talaga.

 

As I browsed the title, I noticed that Vampire Diaries have different sub titles, so it was a series.  I said, hmmmn, another vampire story to read.  So I downloaded the first five books and began to read.

 

I’m on my fifth book when somebody told me it’s being shown on television.  I hurriedly borrowed a dvd player of a friend and bought the cds.  I didn’t know, nakaka 2 seasons na pala.  And then I stopped reading and began watching. 

 

I became so enthralled with the scenes, fell in love with the characters (especially Damon Salvatore) and with the music I almost don’t want to stop watching and go to sleep.  Every night I’m so puyat and everyday I’m so late to come into the office.  Nope, no exaggeration here.

 

Upon arrival at the office, I would browse for the soundtracks and download it.  And they become my music the whole day.


I always thought that stories are best read than watched.  But I was wronged here.  I’d say, Vampire Diaries are best watched than read.

 

 

 

 

Yumminess Durian

This is so far the yummiest durian candy I ever tasted.  The yema was not so sweet and what’s inside it is the real durian fruit.

During my first time in Davao, I braved to taste durian fruit pero hindi ko kinaya.  Sa sobrang bango nya, mabaho na sya.  Pero trying this yumminess Erlinda’s durian candy, I was able to eat durian little by little.  Siguro, sa takaw ko dito sa candy na to without knowing it, nakaisang buong fruit na pala ako, c:

At eto pa ang isang hindi ko malilimutan – Blugre Durian Larceppucino Coffee! 

A little too expensive kesa sa fraps ng Starbucks pero ok lang, sulit na sulit naman.  Thanks to Sir Jakey, he never fails to bring home one for me.

Yay! Burger

Tinanghali ako ng gising one Saturday na pauwi ako ng San Pablo.  Bad trip ang init!  Pagbaba ko ng Buendia, nakakita ako ng KFC, nagcrave tuloy ako sa Krushers!  Favorite ko kasi yun Berry Banana at Strawberry Lush.  Kaya bago sumakay uli ng jeep papuntang terminal ng bus, nagdecide akong dumaan muna sa naturang food chain. 

 

Mahaba haba rin ang pila.  While waiting for my turn, napatingin ako sa mga menu, particularly sa Double Down.  Parang ansarap.  So nun turn ko na, umorder ako ng Double Down, upkrush Strawberry Lush, take out.

 

Pagdating sa bus ko na kinain yun binili kong food.  Masarap naman yun sandwhich, kaso parang naumay ako, puro maalat yun kinakain ko – chicken, bacon at cheese, buti na lang nabalanse nun Krushers.

 

After a week.

 

Tinanghali na naman ako ng gising nun Sunday na pauwi uli ako.  Sobrang napagod kasi ako nun nakaraang araw sa company outing namin.  Katulad nun nakaraang uwi ko, dumaan muna uli ako sa KFC for Krushers.  Pero this time, sinamahan ko naman ng Wow! Burger yun Strawberry Lush Krushers ko, take out uli.  Sa bus ko na uli kinain.  Ilang kagat ko pa lang, biglang nag flash sa isip ko yun picture nun Wow! Burger sa menu.  Sabi ko, it’s supposed to have a lettuce.  So inusyoso ko yun sandwhich.  At eto ang tumambad sa akin…

 

Muntik ko nang hindi makilala ang lettuce!  Yellowish at me brownish na sa dulo.  Halos di ko na mapansin, tas nagblend pa dun sa mayo.  Tsk, ang agang disappointment neto.  Ang Wow! Burger ko, naging Yay! Burger, :c